Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Transkaso (Bata)

Ini-update para sa panahon ng trangkaso sa 2024-2025

May trangkaso ang iyong anaK (trangkaso). Isa itong sakit na dulot ng virus na nakakaapekto sa mga daanan ng hangin sa ilong ng iyong anak, mga sinus, lalamunan at mga baga. Iba ito sa karinawang sipon. Madaling naipapasa ang trangsako mula sa isang bata patungo sa isa pa. Maaari itong maikalat sa hangin sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahin. Maaari din itong maikalat sa pamamagitan ng paghawak sa taong maysakit at pagkatapos ay paghawak sa iyong mga mata, ilong o bibig.

Maaaring banayad o matindi ang mga sintomas ng trangkaso. Maaaring kabilang sa mga ito ang matinding pagkapagod (gustong manatili sa kama nang buong araw), panginginig, mga lagnat, pananakit ng kalamnan, pananakit sa paggalaw ng mata, pananakit ng ulo, at tuyo at paulit-ulit na ubo. Maaaring magkaroon din ang maliliit na bata ng mas maraming sintomas sa sikmura at bituka tulad ng pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, kawalan ng gana sa pagkain.

Maaaring gamutin ang iyong anak gamit ang isang gamot laban sa virus kung may panganib o mga palatandaan ng komplikasyon. Maaaring kailanganin ng iyong anak ng mga antibayotiko ngunit kung mayroon lamang siyang impeksiyon ng bakterya kasama ng trangkaso. Maaaring impeksyon ito sa tainga o sinus o pulmonya. Pinakamahusay na gumagana ang gamot laban sa virus kung sinimulang ininom sa loob ng 48 oras ng paglabas ng unang mga sintomas.

Pangangalaga sa tahanan

Sundin ang mga tagubilin na ito kapag nangangalaga sa iyong anak sa bahay:

  • Mga likido. Pinapataas ng lagnat ang dami ng tubig na nawawala sa iyong anak mula sa kanyang katawan. Para sa mga sanggol na wala pang 1 taong gulang, ipagpatuloy ang regular na pagpapakain (formula o sa suso). Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak upang malaman kung gaano karaming likido ang kailangan ng iyong sanggol. Kung kinakailangan, bigyan ng oral rehydration solution. Mabibili mo ito sa grocery o parmasya nang walang reseta. Para sa batang mas matanda sa 1 taon, bigyan siya ng mas maraming likido at ipagpatuoy ang kanyang karaniwang diyeta. Kung kulang sa tubig ang iyong anak, bigyan ng oral rehydration solution. Bumalik sa karaniwang diyeta ng iyong anak sa lalong madaling panahon. Kung nagtatae ang iyong anak, huwag bigyan ng juice, may lasa na gelatin na tubig, mga soft drink na may caffeine, lemonada, inuming katas ng prutas, o mga nagyeyelong ice pop. Maaaring palalain ng mga ito ang pagtatae.

  • Pagkain. Kung ayaw kumain ng iyong anak ng matitigas na pagkain, OK lang iyon sa loob ng ilang araw. Siguraduhing umiinom siya ng maraming tubig at may normal na dami ng ihi.

  • Aktibidad. Panatilihing magpahinga sa bahay ang mga batang may lagnat o maglaro nang tahimik. Hikayatin sila na umidlip. Maaari nang bumalik sa daycare o sa paaralan ang iyong anak kapag wala nang lagnat nang hindi bababa sa 24 na oras. Dapat mawala ang lagnat nang hindi binibigyan ang iyong anak ng acetaminophen o iba pang gamot para mapababa ang lagnat. Dapat ding kumakaing mabuti ang iyong anak at bumuti ang pakiramdam.

  • Pag-ubo. Normal na bahagi ng trangkaso ang pag-ubo. Maaari kang gumamit ng malamig na mist humidifier sa tabi ng kama. Huwag bigyan ng mga gamot na nabibili nang walang reseta para sa ubo at mga gamot sa sipon ang mga batang wala pang 6 na taong gulang, maliban kung sabihin sa iyo ng tagapangalaga na gawin ito. Hindi nakatutulong ang mga gamot na ito na mabawasan ang mga sintomas. At maaaring makapagdulot ng malubhang masasamang epekto, lalo na sa mga sanggol na wala pang 2 taong gulang. Huwag hayaan ang iba na manigarilyo sa paligid ng iyong anak. Pwedeng palalalain ng usok ang ubo.

  • Pagbabara ng ilong. Gumamit ng rubber bulb syringe upang sipsipin ang ilong ng sanggol. Maaari kang maglagay ng 2 hanggang 3 patak ng tubig-alat (saline) na pamatak sa ilong sa bawat butas ng ilong bago ang pagsipsip. Tumutulong ito na alisin ang mga secretion. Mabibili mo ang mga saline na pamatak sa ilong nang walang reseta. Maaari mong gawin ang pampatak sa pamamagitan ng pagdaragdag ng 1/4 kutsarita ng asin sa 1 tasa ng tubig.

  • Lagnat. Gumamit ng acetaminophen upang makontrol ang pananakit, maliban kung may ibang gamot na inireseta. Sa mga sanggol na mas matanda sa 6 na buwan gulang, maaari mong gamitin ang ibuprofen sa halip na acetaminophen. Kung ang iyong anak ay may pangmatagalang sakit sa atay o kidney, makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak bago gamitin ang mga gamot na ito. Makipag-usap din sa tagapangalaga kung nagkaroon na ng ulser sa sikmura o pagdurugo ng pantunay ang iyong anak. Huwag kailanman magbigay ng aspirin sa isang bata o tinedyer na may lagnat. Maaari itong maging sanhi ng malubhang sakit na tinatawag na Reye syndrome. Maaari nitong maapektuhan ang utak at ang atay.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak, o ayon sa ipinayo.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Lagnat (tingnan ang Lagnat at mga bata sa ibaba)

  • Mabilis na paghinga. Kung ang iyong anak ay:

    • May edad na 6 na linggo hanggang 2 taon, mahigit ito sa 45 paghinga kada isang minuto

    • May edad na 3 hanggang 6 na taon, mahigit ito sa 35 paghinga kada isang minuto

    • May edad na 7 hanggang 10 taon, mahigit ito sa 30 paghinga kada isang minuto

    • Mas matanda sa 10 taong gulang, mahigit ito sa 25 paghinga kada isang minuto

  • Pananakit ng tainga, pananakit ng sinus, paninigas o pananakit ng leeg, pananakit ng ulo, paulit-ulit na pagtatae o pagsusuka

  • Hindi pangkaraniwang pagkairita, pagkahilo, o pagkalito

  • Hindi nakikisalamuha sa iyo ang iyong anak gaya ng karaniwan niyang ginagawa

  • Ayaw ng iyong anak na mahawakan

  • Hindi umiinom ng sapat na likido ang iyong anak. Maaaring magpakita ito bilang walang luha kapag umiiyak, o lubog na mga mata o tuyong bibig. Maaari din itong walang basang diaper sa loob ng 8 oras para sa isang sanggol. O maaaring hindi gaanong umiihi kaysa karaniwan sa mas matatandang bata.

  • Pantal na may lagnat

Lagnat at mga bata

Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:

  • Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.

  • Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad na 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.

  • Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.

  • Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang sa siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.

Gamitin ang thermometer sa puwit nang may pag-iingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.

Nasa ibaba ang kung kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan kung may lagnat ang iyong anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero. Sundin ang kanyang mga tagubilin.

Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak

Para sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang:

  • Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.

  • Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas

  • Kili-kili: 99°F (37.2°C) o mas mataas

  • Lagnat na ___________ayon sa ipinayo ng tagapangalaga

Para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):

  • Puwit o noo: 102°F (38.9°C) o mas mataas

  • Tainga (ginagamit lamang sa edad na higit sa 6 na buwan): 102°F (38.9°C) o mas mataas

  • Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga

Sa ganitong mga kaso:

  • Temperatura sa kili-kili na 103°F (39.4°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad

  • Temperatura na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad

  • Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga

Online Medical Reviewer: Chelsey Schilling BSN RN
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals RN BSN MPH
Online Medical Reviewer: Lalitha Kadali Researcher
Date Last Reviewed: 8/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell
Disclaimer