Pag-abuso sa Droga
Ang paggamit at pag-abuso sa mga droga tulad ng marijuana, amphetamines (speed,crank), cocaine, heroin o inireresetang gamot sa pananakit (Vicodin, codeine), pampakalma at pildura pampatulog (Valium, Klonopin), PCP, mescaline at LSD ay maaaring humantong sa adiksyon at pagpapakandili sa mga ito. Kapag nangyari ito, ikaw ay may mas higit na panganib para sa alinman sa mga sumusunod:
-
Masidhing paghahangad sa droga at ayaw huminto sa paggamit kahit na gustuhin mo nang tumigil (psychological dependence)
-
Mga sintomas ng withdrawal sa droga kapag itinigil ang paggamit nito (physical dependence)
-
Pagkawala ng trabaho o pamilya
-
Pagkaaresto, pagkahatol at pagkakulong para sa pagkakaroon ng ilegal na substansya o para sa pagmamaneho habang nakagamit ng subtansyang ito.
-
Ang mga aksidenteng pinsala sa iyong sarili at sa iba habang ikaw ay nasa impluwensya ng droga (sa sasakyan o tahanan).
-
HIV na impeksiyon (mas matinding panganib kung ikaw ay gumagamit ng IV na droga)
-
Iba pang sexually transmitted diseases (herpes, chlamydia, gonorrhea at iba pa)
-
Malala at nakamamatay na impeksiyon sa mga balbula ng puso (kung gumagamit ng IV na droga)
-
Stroke, atake sa puso, hepatitis B o C, kidney failure
-
Pagkamatay dahil sa labis na dosis
Pangangalaga sa Tahanan:
-
Aminin na ikaw ay may problema sa droga. Humingi ng tulong mula sa iyong pamilya at malalapit na kaibigan.
-
Humingi ng tulong ng propesyunal. Ito ay maaaring nasa uri ng isang indibidwal na psychotherapy o pagpapayo o isang outpatient, inpatient o residensyal na programa ng gamutan para sa droga.
-
Sumali sa isang grupo ng pagtulong sa sarili para sa pag-abuso ng droga.
-
Iwasan ang mga kaibigan na nagaabuso ng droga o hinihikayat ka na ipagpatuloy ang pag-abuso ng droga.
-
Kumain ng balanseng diyeta at magsimula ng regular na programa sa pag-eehersisyo.
Mag-Follow Up
sa iyong doktor o ayon sa ipinayo ng aming staff. Makipag-uganayn sa isa sa mga nasa ibaba para sa tulong.
-
National Council on Alcoholism and Drug Dependence www.ncadd.org 800-475-HOPE
-
Narcotics Anonymous www.na.org 818-773-9999
-
National Alcohol and Substance Abuse Information Center (para sa pagsangguni sa mga programa ng gamutan) www.addictioncareoptions.com 800-784-6776
Kumuha ng Agarang Medikal na Atensyon
kung alinman sa mga sumusunod ay mangyari:
-
Pagkabalisa, pagkabahala o hindi makatulog
-
Hindi inasahang pagbawas ng timbang (higit sa 10 hanggang 15 pounds sa 3 buwan)
-
Seizure
-
Pananakit ng dibdib
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinag-uutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan
-
Labis na pagkaantok o hindi magising
-
Kakapusan sa hininga
-
Mabagal na paghinga na mababa sa 8 hinga kada minuto
-
Ubo na may kasamang plemang may kulay
-
Pamumula, pamamaga o pagkirot sa dako ng ineksyon
Online Medical Reviewer:
Ballas, Paul, DO
Online Medical Reviewer:
Nelson, Gail A., MS, APRN, BC
Date Last Reviewed:
6/1/2016
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.