Mga Gasgas
Ang mga GASGAS (ABRASIONS) ay ang mga pagkagasgas ng balat. Depende sa laki at lalim ng gasgas (abrasion) ang paggamit nito.
PANGANGALAGA SA BAHAY
-
Kung binigyan ka ng benda, palitan ito nang minsan sa isang araw. Kung dumikit ang benda sa sugat, ibabad ito sa mainit na tubig hanggang sa matanggal ito.
-
Hugasan ang paligid ng sabon at tubig upang maalis ang lahat ng cream/ointment. Maaari mong gawin ito sa lababo, sa gripo o sa shower. Banlawan ang sabon at patuyuin gamit ang isang malinis na tuwalya.
-
Ipahid muli ang cream/ointment ayon sa mga tagubilin ng iyong doktor. Pipigilan nito ang impeksyon at tutulong na mapigilan ang benda sa pagdikit.
-
Takpan ang sugat ng isang bagong di-dumidikit na benda (Telfa).
-
Ulitin ang hakbang 1 hanggang 4 araw-araw, o gaya ng ipinag-uutos ng iyong doktor.
-
Kung mabasa o madumihan ang benda, palitan ito sa pinaka-unang pagkakataon.
-
Maaari kang gumamit ng acetaminophen (Tylenol) o ibuprofen (Motrin, Advil) upang makontrol ang pananakit, malibang ipinayo ang ibang gamot sa pananakit. [TANDAAN: Kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o bato o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng GI, makipag-usap sa iyong doktor bago gamitin ang mga gamot na ito.] Huwag gumamit ng ibuprofen sa mga batang wala pang anim na buwan ang edad.
MAG-FOLLOW UP sa iyong doktor o sa pasilidad na ito gaya ng ipinapayo ng aming staff. Karaniwang gumagaling ang karamihan ng sugat sa balat sa loob ng sampung araw. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng impeksyon sa kabila ng tamang paggagamot. Kaya naman, magbantay sa mga maagang senyales ng impeksyon na nakalista sa ibaba.
MAKAKUHA NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang alinman sa sumusunod:
-
Tumitinding sakit ng sugat
-
Lalong namumula o namamaga
-
Nana na lumalabas sa sugat
-
Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng ipinapayo ng iyong healthcare provider
Online Medical Reviewer:
Eric Perez MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Date Last Reviewed:
8/1/2019
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.