Paghanap ng Tamang Timbang para sa Iyo
Karamihan sa mga tao sa magasin at telebisyon ay mas payat kaysa sa pamantayan, gayun pa man ito ang nilalayon ng iba bilang “ideal”. Bago magdesisyon na ikaw ay hindi masaya hanggang hindi ka bumababa sa tiyak na numero ng pounds, isaalang-alang ang:
-
Ang iyong edad. maaaring pinapangarap mo na makabalik ka sa timbang mo nuong ikaw ay kolehiyo pa. Ngunit ang mga normal na pagbabago sa metabolism at lebel ng hormones ay nangyayari na ginagawa itong hindi makatotohanan.
-
Ang iyong kasarian. Sa pangkalahatan, ang mga kalalakihan ay mayroon mas maraming kalamnan at mas mabibigat na buto kaysa sa mga kababaihan, na nangangahulugan na ang malulusog na kalalakihan ay mas matimbang kaysa sa malulusog na kababaihan na may parehong timbang.
-
Ang iyong kasalukuyang timbang. Kung ikaw ay sobrang bigat, magpokus sa pagbabawas ng maliit na dami (katulad ng 10 porsyento ng iyong timbang). Ang pagbawas ng kahit 5 hanggang 10 pounds ay makakabuti sa iyong kalusugan.
Ang Porsyento ng Taba sa Iyong Katawan
Ang isang pound ng kalamnan ay may parehong timbang sa isang pound ng taba, ngunit ito ay kumukuha ng mas maliit na espasyo. Isipin ang isang nagsanay na atleta at isang “couch potato.” Kahit na sila ay may parehong tangkad at timbang, ang atleta ay mas mukang malakas ang katawan at mas malusog at maaaring nagsusuot ng mas maliit na sukat ng damit. Kung ikaw ay matipuno, isang pagsusuri ng taba sa katawan ay maaaring maging tamang sukat ng iyong ideal na timbang kaysa sa timbangan sa banyo. Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, na makakatulong sa iyo na magtakda ng mga tamang layunin para sa iyong sarili.
Online Medical Reviewer:
Brittany Poulson MDA RDN CD CDE
Online Medical Reviewer:
Diane Horowitz MD
Online Medical Reviewer:
Heather M Trevino BSN RNC
Date Last Reviewed:
12/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.