Kaugaliang Malusog na Pagkain sa Panahon ng Pagbubuntis
Mahalaga na maging kaugalian ang malusog na pagkain habang ikaw ay buntis, para sa iyo at sa iyong sanggol. Narito ang ilang pamamaraan upang manatiling malusog.
Pagsikapan ang Mulusog na Timbang
Ang dahan-dahan, matatag na antas ng pagdagdag ng timbang ang pinakamabuti. Pagkatapos ng unang trimester, ikaw ay maaaring bumigat ng isang pound kada linggo. Kung sobra ang iyong timbang bago ka nagbuntis, kailangan na kaunting pound lang ang iyong ibigat. Maaari kang bigyan ng iyong doktor ng layunin para sa malusog na timbang para sa iyong pagbubuntis.
Huwag Magdiyeta
Hindi ngayon ang panahon para magdiyeta. Maaaring hindi sapat ang nakukuha mong nutrients na kailangan mo at ng iyong sanggol. Sa halip, alamin kung paano kumain nang malusog. Simulan ito para sa iyong sanggol. Sa susunod, ay maaari mong gawin ito para sa iyong sarili.
Mga Bitamina at Suplemento
Kausapin ang iyong healthcare provider ukol sa pag-inom ng mga ito at ng iba pang prenatal na bitamina at suplemento.
-
Iron ang nagbibigay ng karagdagang dugo na kailangan mo ngayon.
-
Calcium at bitamina D ang tumutulong sa pagbuo at pananatili ng matibay na buto.
-
Folic acid ang tumutulong upang maiwasan ang ilang depekto sa panganganak.
-
May ilang bitamina na maaaring hindi ligtas inumin. Sasabihin sa iyo ng iyong healthcare provider kung alin ang mga dapat na iwasan.
Fluids
Uminom ng hindi bababa sa 8–10 na baso ng fluid araw-araw. Kailangan ng iyong sanggol ng fluid. Ang fluid ay nakakapagpabawas ng hindi pagkadumi, naglalabas ng toxins at dumi, nililimitahan ang pagmamanas, at tumutulong maiwasan ang mga impeksiyon sa pantog. Tubig ang pinakamainam. Ang iba pang pagpipilian ay:
-
Tubig o tubig na seltzer na may piraso ng limon o dayap (ang mga ito rin ay makakapagpagaan ng pananakit ng tiyan)
-
Malinaw na sabaw na mababa sa asin
-
Low-fat o walang fat na gatas; soya o kaning gatas na may idinagdag na calcium
-
Fruit juice na may halong tubig
-
Popsicle o dyelatin
Mga Bagay na Dapat Iwasan
May ilang bagay na makakasama sa iyong lumalaking sanggol. Huwag kainin o inumin:
-
Alak
-
Hindi na pasture na pagkain at juice na dairy
-
Hilaw o hindi lubos na lutong karne, manok, isda, o itlog
-
Isda na mataas sa mercury, gaya ng pating, swordfish, king mackerel, tilefish, at albacore tuna
Mga Dapat Limitahan
Itanong sa iyong healthcare provider kung ligtas kainin o inumin ang:
-
Kapeina
-
Artipisyal na pampatamis
-
Karneng laman-loob
-
Ilang uri ng isda
-
Isda at shellfish na naglalaman ng mababang antas ng mercury, tulad ng hipon, de-latang tuna, salmon, pollock, at hito
Online Medical Reviewer:
Freeborn, Donna, PhD, CNM, FNP
Online Medical Reviewer:
Sacks, Daniel, MD, FACOG
Date Last Reviewed:
2/1/2018
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.