Pag-unawa Sa Abdominal Aortic Aneurysm
Maaaring nasabihan ka na na mayroon kang aneurysm. Nangyayari ito kapag ang isang huminang bahagi ng daluyan ng dugo ay lumalaki gaya ng isang lobo. Tinatawag na abdominal aortic aneurysm (AAA) ang aneurysm sa pangunahing daluyan ng dugo sa lugar ng iyong sikmura.
Ano ang AAA?
 |
Nangyayari ang aneurysm kapag ang mahinang bahagi ng pinakadingding ng aorta ay nababanat at lumalawak. |
Ang aorta ay ang malaking arterya na nagdadala ng dugong may oxygen mula sa puso patungo sa buong katawan. Sa AAA, humihina at nababanat ang bahagi ng aorta. Kung ganap na lumaki ang aneurysm, maaari itong pumutok. Ito ay napakalubha at kadalasang nakamamatay.
Paano nakikita ang aneurysm?
Karaniwang mabagal na nabubuo ang AAA sa paglipas ng panahon at walang naidudulot na sintomas. Madalas itong nakikita kapag ginawa ang mga pagsusuri (tulad ng X-ray, MRI, o CT scan) para sa isang hindi kaugnay na problema. Para kumpirmahin ang pagkakaroon ng AAA, isinasagawa ang mga pagsusuri tulad ng ultrasound ng tiyan, CT scan ng tiyan at balakang o angiography.
Sino ang nagkakaroon ng AAA?
Pinalalaki ng mga bagay na ito ang mga tsansa mong magkaroon ng AAA:
-
Mayroong AAA sa inyong pamilya
-
Ang iyong edad. Mas malamang ang AAA habang tumatanda ka.
-
Mas malamang na magkaroon ng AAA ang mga lalaki kaysa sa mga babae
-
Paninigarilyo
-
Mataas na presyon ng dugo
-
Mataas na antas ng kolesterol Ito ay pamumuo ng taba at iba pang materyal sa dugo.
-
Pinsala, tulad ng aksidente sa kotse
Ang mga kalalakihang may edad na 65 hanggang 75 taong gulang na naninigarilyo na dapat magkaroon ng 1 beses ultrasound screening para sa AAA. Kung isa kang lalaki na may edad na 65 hanggang 75 taong gulang at hindi kailanman nanigarilyo, maaaring ipayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na magpa-screen batay sa iba pang kadahilanan ng panganib tulad ng kasaysayan ng iyong kalusugan o kasaysayan ng pamilya.
Ano ang maaaring gawin?
Maaaring isagawa ang operasyon upang tanggalin ang aneurysm. O maaari kang magkaroon ng hindi gaanong mapanghimasok na pamamaraan na tinatawag na endovascular stent grafting. Gumagamit ito ng catheter para ilagay ang isang metal mesh tube na tinatawag na stent papunta sa mahinang bahagi ng aorta. Nagsisilbing scaffolding ang stent para palakasin ang mga pader ng arterya.
Tatayahin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang mga tsansa na ang aneurysm ay puputok laban sa mga panganib ng paggamot. Ang maliit at mabagal na lumalaking aneurysm ay sinusubaybayan gamit ang ultrasound at mga CT scan tuwing 6 hanggang 12 buwan. Kung maabot na nito ang tiyak na sukat, magsimulang tumagas o mabilis na lumalaki, maaaring kailangan mong magpaopera para palitan ang bahaging iyon ng iyong aorta.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.