Paggamit ng Incentive Spirometer
Pagkatapos ng iyong surgery, tuturuan ka ng nars o therapist ng pag-ehersisyo. Mapapanatili nitong malinaw ang iyong baga, palalakasin ang iyong kalamnan sa paghinga, at makakatulong ito na maiwasan ang komplikasyon.
Kabilang sa mga ehersisyo ang paghinga ng malalim gamit ang aparato na tinatawag na incentive spirometer.
Apat na Pamamaraan upang Luminaw ang Baga
 |
Malalim na paghinga ay nagpapabatak sa baga, tumutulong sa sirkulasyon, at tumutulong sa pagpigil ng pneumonia. |
1. Normal na huminga nang palabas.
2. Ilagay ang bokilya (mouthpiece) sa iyong labi nang mahigpit.
3. Lumanghap ng maraming hangin hanggang sa kaya mo.
-
Lumanghap nang dahan-dahan at malalim.
-
Pigilin nang may katagalan ang hininga upang mapanatiling naka-elebado ang mga bola o disk na hindi bababa sa 3 segundo.
-
Kung masyadong mabilis ang iyong paglanghap, maaaring lumikha ng tunog ang iyong aparato. Kapag iyong narinig ang tunog, bagalan ang paglanghap.
4. Regular na ulitin ang ehersisyo.
-
Gawin ang pag-ehersisyong ito kada oras kapag ikaw ay gising, o alinsunod sa payo ng iyong doktor.
-
Ikaw ay tuturuan din ng ehersisyo sa pag-ubo at regular na ipagagawa ang mga ito sa iyo nang sarili.
Date Last Reviewed:
1/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.