Ectopic Pregnancy
Kapag nagbuntis ang isang babae, kakapit ang pertilisadong itlog (ovum) sa loob ng matris (bahay-bata) kung saan ito lalaki. Pero sa ilang kalagayan, ang itlog ay puwedeng kumapit sa labas ng matris, kadalasan na sa fallopian tube. Tinatawag itong ectopic pregnancy. Puwedeng marinig mo rin ito na tinatawag na tubal pregnacy. Pero puwede ring kumapit ang itlog sa iba pang lugar. Kasama sa mga lugar na ito ang obaryo, cervix, o belly (tiyan). Bihirang mangyari ang ectopic pregnancy sa mga ganitong lugar.
Sa panahon ng pagbubuntis, ang pertilisadong itlog ay lumalaki sa uterus. Pero sa isang ectopic pregnacy, ang lumalaking itlog sa fallopian tube ay puwedeng magpaputok ng tubo (tube) (mapunit). Puwedeng humantong ito sa matinding pagdurugo kung hindi ito maagang makikita at magagamot.

Ano ang sanhi ng ectopic pregnancy?
Kadalasan na, may problema sa fallopian tube na pumipigil sa itlog sa paglipat mula rito papunta sa uterus. Posibleng dahil sa pinsala sa tube, tulad ng sanhi ng impeksyon o operasyon. Ang tsansang magkaroon ng ectopic pregnancy ang isang babae na tumaas ay kapag siya ay nagkaroon ng:
-
Ectopic pregnancy noong nakaraan
-
Impeksyon sa pelvic na pabalik-balik
-
Endometriosis
-
Nahihirapang mabuntis (kawalang kakayahang mabuntis)
-
Operasyon sa kanyang mga tube
-
Pagbubuntis habang gumagamit ng partikular na pildoras para hindi mabuntis o ng intrautirine device (IUD)
Mas mataas din ang panganib na magkaroon nito ang babae kung siya ay:
Ano ang mga sintomas ng ectopic pregnancy?
Kadalasang nangyayari ang mga sintomas ng ectopic pregnancy sa panahon ng unang 12 linggo ng pagbubuntis (unang tatlong buwan). Maaaring makaramdam ng mga sintomas ng maagang pagbubuntis, tulad ng hindi pagdating ng regla. Posibleng maging sensitibo ang kanyang mga suso. Posibleng madalas siyang maihi at sumakit ang kanyang sikmura (naduduwal). Pero sa ilang kalagayan, maaaring walang maramdamang mga sintomas ang isang babae.
Kapag walang maramdamang mga sintomas ang isang babae, karaniwan na ang pagdurugo ng puwerta sa maagang pagbubuntis. Posible ring magkaroon ng pananakit sa pelvis o ibabang likod ng babae. Puwedeng bigla ang pagsakit o unti-unti. Puwedeng katamtaman lang o matindi. Puwedeng banayad ang sakit o mahapdi at biglang maramdaman pagkatapos mawawala din agad o mananatili nang ilang saglit.
Habang lumalaki ang ectopic pregnancy, posibleng madagdagan ang mga sintomas. Kapag pumutok ang tube, puwedeng magkaroon ang babae ng mga:
-
Matindi at biglaang pananakit ng tiyan o pelvis na hindi nawawala
-
Pananakit na lumilipat hanggang sa balikat
-
Panghihina at pagkawala ng malay
Kapag pumutok ang ectopic pregnancy, puwede itong mauwi sa matinding pagdurugo sa loob na posibleng magsapanganib sa buhay ng babae. Agarang lunas ang kailangan.
Ano ang paggagamot para sa ectopic pregnancy?
Puwedeng gamutin ang ectopic pregnancy sa ilang paraan. Maaaring kabilang sa mga paggamot ang:
-
Gamot. Posibleng gamitin ang pag-iniksyon ng isa o higit pang dosis ng gamot para pahintuin ang paglaki ng pertilisadong selulang itlog. At pagkatapos sasama na sa katawan ang mga selulang ito. Susuriin din ang antas ng hormone sa espesipikong mga panahon. Gagamitin ang pagsusuring ito para matiyak na bumalik na sa normal ang lebel ng hormone.
-
Operasyon. Ginagawa ang operasyon para tanggalin ang bahagi ng tube kung naroon ang ectopic pregnancy o tatanggalin ang buong tube
-
Mapagbantay na paghihintay. Ginagamit lang ang gamutang ito sa maliit na grupo ng kababaihan na may mababang panganib na magkaroon ng pagkapunit (rupture). Kasama dito ang malapitang pagsusuri sa mga sintomas sa lebel ng hormone, at ultrasound scan para makita ang kalagayan ng babae.
Kapag ang babae ay kinakakitaan ng mga palatandaan ng ectopic pregnancy na malamang pumutok o may mga palatandaan na pumutok ang tube, ang babae ay nangangailangan ng agarang operasyon.