Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Gastroparesis

Ang Gastroparesis ay isang karamdaman na nagpapabagal o nagpapahinto sa pagdaloy ng pagkain mula sa tiyan mo papasok sa maliit na bituka. Tinatawag din itong naantalang pagtanggal ng gastric. Sanhi ito ng isang problema sa pagkilos. Ito ay ang paggalaw ng mga kalamnan sa digestive tract (daanan ng kinain).

Para sa maraming tao, ang gastroparesis ay panghabambuhay na problema sa kalusugan. Nguit nakakatulong ang paggamot na maibsan ang mga sintomas at mapigilan ang mga kumplikasyon. Ipagpatuloy ang pagbabasa para malaman pa ang higit tungkol sa gastroparesis at kung paano ito makokontrol.

Cross seksyon ng sikmura at duodenum. Ang sikmura ay malaki at lundo. Ang mga nilalaman ng sikmura sa lundong bahagi ay hindi mailipat nang maayos palabas ng tiyan patungo sa duodenum.
Ang gastroparesis ay nangangahulugan na ang pagkain at likido ay mabagal na lumalabas mula sa sikmura papunta sa duodenum.

Paano nagsisimula ang gastroparesis

Sa normal na paggalaw, mga signal mula sa nerbyu ang nagsasabi kung kailan uurong ang mga kalamnan ng tiyan. Ang mga kalamnang ito ang nagpapakilos sa kinain mula sa tiyan patungo sa unang bahagi ng maliit na bituka (duodenum). Dahil sa gastroparesis, sira na ang mga nerbyu o mga kalamnan. Nagiging sanhi ito ng pagbagal o paghinto ng paggalaw. Bilang resulta, hindi makalipat ang kinain mula sa tiyan patungo sa maliit na bituka na dapat mangyari. Ang mabagal na pag-aalis ng laman na ito ay nagiging sanhi ng pagduduwal, pagsusuka, at iba pang mga sintomas. Magiging sanhi ng malnutrisyon. Pwedeng mamuo ang bezoars (matigas na bukol ng kinain) sa loob ng tiyan at magdulot din ng iba pang problema.

Mga sanhi ng gastroparesis

Pwedeng sanhi ng alinman sa mga ito ang gastroparesis:

  • Diabetes

  • Operasyon sa alinman sa mga organ sa pagtunaw ng kinain, tulad ng tiyan at mga bituka

  • Ang ilang partikular na mga gamot, tulad ng malakas na mga gamot sa kirot (opioids) at ilang antidepressants

  • Hindi gaanong aktibong thyroid (hypothyroidism)

  • Mga karamdaman ng central nervous system tulad ng Parkinson disease at multiple sclerosis

  • Ilang autoimmune disease, tulad ng systemic scleroderma.

  • Impeksiyon ng virus sa tiyan

Sa maraming kaso, ang sanhi ng gastroparesis ay hindi alam.

Mga sintomas ng gastroparesis

Kabilang sa mga ito ang:

  • Masakit ang tiyan (pagduduwal) at pagsusuka

  • Pakiramdam mabilis mabusog kapag kumakain

  • Sakit sa tiyan

  • Pangangasim ng sikmura

  • Puno ang tiyan

  • Pagbaba ng timbang

  • Pagkawala ng gana

  • Mataas at mababang antas ng asukal sa dugo (sa mga tanong may diabetes)

Pag-diagnose ng gastroparesis

Tatanungin ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga sintomas mo at kasaysayan ng kalusugan. Eeksaminin ka rin. Karagdagdagan pa, kadalasang ginagawa ang pagsusuri sa dugo at X-ray para makita ang iyong kalusugan at malaman pa ang ibang mga problema. Para makumpirma ang problema, malamang kailanganin mo rin ng iba pang pagsusuri, tulad ng:

  • Upper endoscopy. Ginagawa ito para makita ang loob ng tiyan at duodenum. Para sa pagsusuri, gagamit ng endoscope. Isa itong makitid at nababanat na tubo na may maliit na camera sa dulo. Ipinapasok ito sa pamamagitan ng bibig pababa at papasok sa tiyan at duodenum.

  • Itaas na gastrointestinal (GI) series. Ginagawa ito para kumuha ng X-ray ng itaas na GI tract mula sa bibig papunta sa maliit na bituka. Para sa pagsusuri, lulunukin ang substansyang tinatawag na barium. Babalutan ng barium ang GI tract para maipakita nito nang malinaw sa X-ray.

  • Radioisotope gastric-emptying scan. Ginagawa ito para sukatin kung gaano kabilis umaalis sa tiyan ang kinain. Para sa pagsusuri, isang pagkain na may lamang hindi nakakapinsalang radioactive na substansya (tracer) ang kakainin. Pagkatapos ay gagawin ang pag-scan sa tiyan. Ipapakita ng tracer nang malinaw sa scan. Ipapakita nito ang paggalaw ng kinain sa tiyan.

  • Gastric (antroduodenal) manometry. Nagbibigay ang pagsusuring ito ng mga sukat sa presyon ng tiyan at maliit na bituka. Sinusuri nito kung paano gumagana ang pag-urong ng kalamnan ng tiyan.

  • Pag-aaral gamit ang wireless na kapsula. Para sa pagsusuri, lulunok ka ng wireless na kapsula. Susukatin ng kapsula kung gaano kahusay magtanggal ng laman ang iyong tiyan at kung gaano kabilis dumadaan ang kinain at likido patungo sa iyong mga bituka. Mailalabas mo ang kapsula sa iyong katawan sa pamamagitan ng pagdumi.

  • Pagsusuri na gastric emptying breath. Susuriin ng pagsusuring ito ang pagtanggal ng laman sa tiyan. Sinusukat nito kung gaano karaming carbon dioxide ang nalalanghap mo sa ilang oras pagkatapos kumain.

  • Scintigraphic gastric accommodation. Susukatin ng pagsusuring ito ang laman ng iyong tiyan bago at pagkatapos kumain. Sinusuri rin nito kung gaano karelaks ang iyong tiyan pagkatapos mong kumain.

Paggamot sa gastroparesis

Ang layunin ng paggamot ay tulungan kang kontrolin ang iyong kondisyon. Maaaring kabilang sa paggamot ang 1 o higit pa sa mga ito:

  • Mga pagbabago sa diyeta. Maaaring kailangan mong gumawa ng mga pagbabago sa iyong kaugalian sa pagkain at pang-araw-araw na diyeta. Halimbawa, maaaring sabihin sa iyo ng iiyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na kumain ng kaunti kapag araw. Ang paggawa nito ay iiwas sa iyo na mabilis makaramdam na pagiging busog. Maaaring ilagay ka sa likido o malambot na diyeta. Ibig sabihin, kakain ka ng mga likidong pagkain o mga pagkain na dinurog o pinadaan sa blender. Dagdag pa, maaaaring kailangan mong iwasan ang mga pagkaing maraming taba at fiber. Pababagalin nito ang pagtunaw. Para sa higit pang tulong sa iyong diyeta, maaari kang i-refer ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa isang dietitian. Sa malulubhang kaso, maaaring kailangang pakainin ka sa pamamagitan ng tubo. Direkta nitong dadalhin ang likidong pagkain o gamot sa iyong maliit na bituka, lalampasan ang tiyan.

  • Paggamot ng dayabetis. Kung may diabetes ka, mahalagang kontrolin ang iyong asukal sa dugo. Maaaring palalain ng mataas na antas ng asukal ang gastroparesis. 

  • Mga gamot. Makakatulong ang mga ito na makontrol ang mga sintomas, tulad ng pagduduwal at pagsusuka. Makakapagbuti din ang mga ito sa paggalaw (motility). Bawat gamot ay may partikular na mga panganib at side effect. Masasabi sa iyo ng iyong tagapangalaga ang higit pa tungkol sa anumang gamot na iniresta para sa iyo. Isa pa, kung gumagamit ka ng opiod na pampakalma sa kirot at ilang partikular na mga gamot, maaaring magpayo rin sa iyo ang iyong provider na ihinto ang mga ito kung nakakadagdag ito sa iyong gastroparesis.

  • Operasyon. Maaaring kailangan ka ring operahan para ilagay ang tubo sa iyong tiyan. Tinatanggal ng tubo ang sobrang hangin at likido. Babawasan nito ang mga malalang sintomas ng pagduduwal at pagsusuka. Sa bihirang mga kaso, iba pang operasyon ang malamang kailangan gawin sa tiyan o maliit na bituka. Ito ay para gumawa ng bagong daanan ng pagkain para ilabas mula sa iyong tiyan.

  • Gastric electrical stimulation. Ginagawa ang gamutang ito nang mas madalang at maaaring hindi available. Makapagsasabi pa ng higit ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa paggamot na ito kung kasama ito sa iyong pagpipilian.

Diabetes at gastroparesis

Kung may diabetes ka, gagawin ng gastroparesis na mas mahirap kontrolin ang antas ng iyong asukal sa dugo. Kakailanganin mong gumawa ng ekstrang mga hakbang sa iyong gamutan para maiwasan ang mga kumplikasyon. Makipagtulungan sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan upang malaman kung ano ang gagawin mo para mapangalagaan ang iyong kalusugan. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa American Diabetes Association.

Mga pangmatagalang alalahanin 

Sa gamutan, makokontrol ng karamihan ng mga tao ang mga sintomas at makakapagpatuloy sila sa kanilang normal na rutina. Kung ang mga sintomas mo ay katamtaman hanggang sa malubha, malamang kailangan mong makipagkita nang madalas sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan para magpa-checkup. Kung mayroon kang pangmatagalang (talamak) problema sa kalusugan na maaaring maiugnay sa gastroparesis, tulad ng diabetes, mahalaga ang regular na mga pag-follow-up. Makatutulong ang mga ito na subaybayan ang iyong pagkontrol sa asukal sa dugo. Ito ay susi sa matagumpay na pamamahala ng parehong kondisyon. Isa pa, malamang kailanganin ang iba pang paggamot.

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Online Medical Reviewer: Robyn Zercher FNP
Date Last Reviewed: 3/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by StayWell
Disclaimer