Pagkatuyo ng tubig sa katawan (Adulto)

Maaaring mangyari ang dehydration kapag nauubusan ang iyong katawan ng napakaraming likido. Maaaring resulta ito ng tumagal na pagsusuka o pagtatae, labis na pamamawis, o mataas na lagnat. Maaari din itong mangyari kung hindi ka umiinom ng sapat na likido kapag maysakit ka o nasa initan. Maaari ding sanhi ang ilang gamot tulad ng mga water pill (diuretics).

Kasama sa mga sintomas ang pagkauhaw, kakaunti ang ihi kaysa dati, at matingkad ang kulay ng ihi. Maaari ka ring makaramdam ng pagkahilo, panghihina, pagod na pagod, o labis na inaantok. Maaari ka ring magkaroon ng pananakit ng kalamnan at pananakit ng ulo. Karaniwang sapat na upang gamutin ang pagkatuyo ng tubig sa katawan ng diyetang inilalarawan sa ibaba. Sa ilang kaso, maaaring kailangan mo ng gamot.

Pangangalaga sa tahanan

  • Uminom ng hindi bababa sa 12, 8 onsang baso ng likido araw-araw hanggang hindi ka na dehydrated. Maaaring kasama sa likido ang:

    • Tubig

    • Katas ng orange

    • Lemonada

    • Katas ng mansanas, ubas, o cranberry

    • Malilinaw na fruit drink

    • Pamalit sa electrolyte at mga sports drink

    • Tsaa

    • Kapeng walang caffeine

  • Huwag uminom ng alak.

  • Kung na-diagnose kang may sakit sa bato, o pagpalya ng puso, itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung gaano karami at anong uri ng mga likido ang dapat mong inumin upang maiwasan ang dehydration. Maaaring magdulot angmga sakit na ito na maipon ang likido sa katawan. Maaari itong maging mapanganib sa iyong kalusugan.

  • Kung may lagnat ka, mga pananakit ng kalamnan, o pananakit ng ulo dahil sa sipon o trangkaso, maaari kang uminom ng acetaminophen, naproxen, o ibuprofen, maliban kung inireseta ang ibang gamot. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito kung mayroon kang hindi gumagaling na sakit sa atay o bato, o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng pantunaw.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo.

Kailan hihingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Nagpapatuloy na pagsusuka

  • Pagtatae na nangyayari nang mahigit sa 5 beses sa isang araw o uhog sa pagtatae

  • Namamagang tiyan o pananakit ng tiyan na lumalala

  • Pag-ihi nang bihira kaysa karaniwan o matinding pagkauhaw

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag sa 911

Tumawag kaagad sa 911 kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod:

  • Panghihina, pagkahilo, o pagkahimatay

  • Hindi pangkaraniwang pagkaantok o pagkatuliro

  • Mapula o maitim na suka o dumi

Online Medical Reviewer: Eric Perez MD
Online Medical Reviewer: Ronald Karlin MD
Online Medical Reviewer: Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.